Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagkakaroon ng tapat, mapayapa at may kredibilidad na Eleksyon 2022.
Ayon kay acting Presidential Spokesperson at Cabinet Sec. Karlo Alexei Nograles, committed din ang pangulo sa pagpili ng karapat dapat na appointees sa mga bakanteng pwesto sa gobyerno partikular na sa Commission on Elections (COMELEC).
Aniya, mayruoong vetting process para matiyak na tama ang maipwesto lalo na ngayong nalalapit na ang halalan.
Una nang sinabi ni Nograles na batid ng Ppangulo ang urgency ng pagtatalaga ng mga opisyal sa COMELEC lalo na at malapit na ang Eleksyon 2022.
Bukod sa chairperson, 2 pang commissioners ng ang kailangang italaga ng pangulo para punuan ang mga bakanteng pwesto.
Facebook Comments