Manila, Philippines – Nakikiisa ang Palasyo ng Malacañang sa mga biktima ng bagyong Yolanda na ginugunita ngayon ang ika 4 na anibersaryo ng paghagupit ng super typhoon sa Eastern Visayas Region na kumitil ng libo libong buhay.
Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, hindi katanggap tanggap ang sinapit ng mga biktima ng bagyo kung saan ang ilan sa mga ito ay patuloy na naghihirap at nakatira parin sa mga temporary shelters dahil hindi naibigay ang mga ipinangakong pabahay.
Kaya naman inatasan aniya ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga kinauukulang tanggapan ng Pamahalaan na ayusin at madaliin na ang pagresolba sa matagal nang problema sa rehabilitasyon ng mga biktima ng bagyong Yolanda.
Bagaman hindi makabibisita si Pangulong Duterte sa Tacloban na matinding napinsala ng bagyo dahil sa kanyang pagalis patungong Vietnam para dumalo sa APEC Summit ay possible naman aniya itong maglabas ng kanyang pahayag sa kanyang departure speech.
Tiniyak din naman ni Roque na kapupulutan ng aral ng pamahaalan ang mga nangyari sa Yolanda sa gagawing Rehabilitasyon ng Marawi City.
November 8, pinapadeklara ni Senator Angara bilang “Yolanda Commemoration Day”