Palasyo, tiniyak na hindi haharangin ang franchise renewal ng ABS-CBN

Nangako ang Palasyo na hindi haharangin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang franchise renewal ng ABS-CBN.

Ito ay sa oras na makapag-pasa ng franchise bill ang kongreso ngayong buwan.

Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, kapag nasa lamesa na ng Pangulo ang franchise bill ng ABS-CBN at kapag wala itong constitutional infirmity ay paniguradong isasabatas ito ni Pangulong Duterte.


Dahilan naman para muling makapag operate at bumalik sa ere ang ABS-CBN.

Sinabi ni Roque na sa ngayon ay maaari nang gumawa ng draft bill ang kongreso dahil balik sesyon naman na ngayon ang mga mambabatas kahit online.

Una nang sinabi ng Pangulo sa mga kaalyado nitong Congressman, na hindi sya magagalit o matutuwa sa kung anuman ang desisyon nila sa prangkisa ng ABS-CBN dahil hindi sya kailanman manghihimasok o mangingialam at mananatili siyang neutral sa kanyang desisyon.

Facebook Comments