Palasyo, tiniyak na hindi makakasama kay Pangulong Duterte ang inaming pag-imbento ng bank account sa abroad ni Trillanes

Manila, Philippines – Binigyang diin ngayon ni Presidential Spokesman Ernesto Abella na walang magiging negatibong epekto kay Pangulong Rodrigo Duterte at sa kanyang administrasyon ang pag amin nito na imbento lang ang bank account ni Senator Antonio Trillanes IV sa Singapore.

Sa katunayan, ayon kay Abella, sa kabila ng mga binibitiwang salita ng pangulo ay nananatiling maganda ang lagay ng ekonomiya ng Pilipinas sa buong Asia.

Ito ay dahil nauunawaan at tanggap ng mga investors at financial institutions ang tunay na kahulugan ng mga sinasabi ng pangulo.


Diin ni Abella, ang pangulo ay transparent sa lahat ng oras at walang itinatago.

Nakakasiguro din si Abella na may rason at mapagkakatiwalaang sources ang pangulo kaya nito inihayag ang gawa gawang bank account number sa Singapore ni Senator Trillanes.

Facebook Comments