Nilinaw ng Malacañang na mananatili sa sirkulasyon at hindi idi-demonetize ang P1,000 bill na may mukha ng tatlong bayaning Pilipino.
Ito ay makaraang kuwestiyunin ng ilang mambabatas at personalidad ang bagong disenyo ng pera kung saan inalis ang mukha nina Josefa Llanes Escoda, Vicente Lim at Jose Abad Santos.
Ayon kay acting Presidential Spokesperson Karlo Nograles, ang bagong P1,000 banknote design kung saan makikita ang Philippine eagle ay para lamang sa test circulation.
Paliwanag pa ni Nograles, layon ng test circulation na magsisimula sa April 2022 na malaman kung mas environment friendly, mas hygienic at mas secure ang polymer material na ginamit sa paggawa ng pera.
Gayunman, hindi masabi ng Cabinet secretary kung hanggang kailan tatagal ang test circulation at kung ibabalik pa ang mukha ng tatlong bayani pagkatapos ng test run.