Palasyo, tiniyak na kayang bayaran ng Pilipinas ang P11 trillion na utang

Iginiit ng Malacañang na may kakayahan ang Pilipinas na magbayad ng financial obligations nito.

Ito ay kahit umabot na sa 11 trilyong piso ang utang ng bansa.

Sabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, bagamat malaki ang utang ay nananatili ito sa middle range lalo na at konserbatibo ang economic team lalo na kapag uutang.


“Yung ating naiulat pong external debt ngayon, iyan po ay nasa mid-range kung ikukumpara natin sa mga ekonomiya na kasinlakas natin, kagaya ng iba’t ibang ekonomiya po ng Latin America – lower middle-income countries,” ani Roque.

Batay sa datos ng Bureau of Treasury (BTr), ang domestic debt ng bansa ay nagkakahalaga ng ₱7.915 trillion habang ang foreign obligations ay umabot na sa ₱3.115 trillion.

Facebook Comments