Tiniyak ng Malacañang na ang pilot implementation ng face-to-face clases sa ilalim ng basic education curriculum ay mangyayari kapag bumilis ang pagbabakuna laban sa COVID-19.
Sabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, ipinagpaliban ang pagsasagawa ng in-person classes dahil nananatiling banta ang mga bagong variant ng COVID-19.
Aniya, ayaw isugal ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kalusugan ng mga bata.
Gusto ng pangulo na maraming tao muna ang mabakunahan bago payagan ang face-to-face classes.
Sa datos ng National Task Force against COVID-19, nasa 11.7 million doses ng COVID-19 vaccines ang nagamit ng pamahalaan mula nitong July 4.
Facebook Comments