Tiwala ang Malacañang na matatapos sa bago bumaba sa pwesto si Pangulong Rodrigo Duterte sa susunod na taon ang rehabilitasyon ng Marawi City.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, maaari pa ring matupad ng administrasyon na matapos ang rehabilitasyon ng Marawi sa kabila ng ilang delay.
Pagtitiyak din ni Roque na kumikilos ang pamahalaan para sa muling pagbangon ng Marawi.
Ang pamahalaan aniya ay may pondo para sa muling pagtayo ng lungsod.
Ang Marawi City ay nating battleground sa loob ng limang buwan sa pagitan ng Maute Terroris Group at ng tropa ng pamahalaan.
Gugunitain ang ika-apat na taong pagkakalaya nito mula sa mga terorista noong October 23.
Facebook Comments