Palasyo, tiniyak na may Talk to the People si Pangulong Duterte ngayong linggo

Nais ng Malacañang na hangga’t maaari ay maisagawa ang regular ‘Talk to the People’ ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga araw na wala itong ibang agenda.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ito ay upang maipalabas o maibro adcast din sa mismong araw ang ulat sa bayan ng Punong Ehekutibo.

Ginawa ng kalihim ang pahayag, makaraang makansela kahapon ang dapat sanay ‘Talk to the People’ ng Pangulo.


Una nang sinabi ni Roque, na kaya ito ipinagpaliban ay dahil narin sa napakaraming schedule ni Pangulong Duterte kahapon.

Kasunod nito, tiniyak ng Malacañang na magkakaroon ng ulat sa bayan ang pangulo ngayong linggo.

Facebook Comments