Palasyo, tiniyak na pinoprotektahan ng Pangulong Duterte ang seguridad ng bansa

Tiniyak ng Malacañang na palaging pinoprotektahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang teritoryo ng Pilipinas at pananatilihin ang national interest ng bansa.

Kasunod ito ng ulat na isang barko ng China ang nagmamasid sa joint military exercise ng Pilipinas at Estados Unidos.

Ayon kay acting Presidential Spokesperson Martin Andanar, natukoy na ng Department of Foreign Affairs (DFA) na ang nasabing aksyon ng China ay malinaw na paglabag sa national sovereignty.


Aniya, ipinatawag na rin ng DFA ang Chinese ambassador para maghain ng diplomatic protest hinggil sa insidente.

Nauna nang sinabi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na isang Chinese electronic at reconnaissance ship na PLAN 792 ang umaaligid sa Sulu Sea.

Ilegal aniya na pumasok ang nasabing barko sa katubigan ng bansa noong January 29 hanggang February 1, 2022 at nakarating pa sa Cuyo Group of Islands sa Palawan at Apo Island sa Mindoro.

Ito ay ang panahong nagsasagawa ng war games ang Philippine Marine Corps at United States Marine Corps sa Palawan.

Facebook Comments