Manila, Philippines – Nagbukas na nga ng bank accounts ang Armed Forces of the Philippines para sa mga gustong magpadala ng tulong sa mga sundalong nakikibaka sa Maute Terror Group sa Marawi City.
Sa ginanap na Mindanao Hour sa palasyo ay nilinaw ni aFp spokesman Brig. Gen. Restituto Padilla na hindi ito nangangahulugan na kinukulang na ang pondo ng pamahalaan para sa mga sundalong kasama sa operasyon sa bahagi ng Mindanao.
Ayon kay General Padilla, bumabaha na kasi ang mga tabo, pajama at iba pang gamit pampersonal ng mga sundalo kaya malaking tulong ang tulong pinansyal para maibili ng iba pang pangangailangan ng mga sundalo.
Tiniyak din ni Padilla ang transparency at update sa lahat ng tulong na ibinibgay para sa tropa.
Ayon kay Padilla, bukas din ang AFP para sa sinumang gustong dumalaw sa mga sugatang sundalo na naka-confine ngayon sa V. Luna hospital.