Manila, Philippines – Pinawi ng Palasyo ng Malacañang ang pangamba ng publiko sa gitna ng sitwasyon sa Marawi City at sa buong Mindanao matapos magdeklara si Pangulong Rodrigo Duterte ng Martial Law sa buong Mindanao kagabi.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, kontrolado ng Pamahalaan ang sitwasyon sa Mindanao sa kabila ng sitwasyon sa Marawi City.
Ngayon aniyang umiiral na ang batas military sa Mindanao ay siguradong malilimitahan na ang galaw ng teroristang grupo na Maute.
Paliwanag pa ni Abella, kailangan talagang gawin ito ni Pangulong Duterte upang mapigilan ang lawless violence at rebelyon sa Mindanao.
Tinitiyak din naman aniya ni Pangulong Duterte ang seguridad ng publiko lalo na ang mga nasa Mindanao habang tinutugis ang Maute at ginagawa ng Pamahalaan ang lahat para mabilis na maibalik sa normal ang sitwasyon sa Mindanao.
Pauwi na ngayon si Pangulong Duterte mula sa Russia at inaasahang darating ito pasado 4:00 ng hapon mamaya.
DZXL558, Deo de Guzman
Palasyo, tiniyak sa publiko na kontrolado ng pamahalaan ang sitwasyon sa Mindanao sa gitna ng tensiyon sa Marawi
Facebook Comments