Palasyo tiwala na makakamit pa rin ng bansa ang economic growth rate bago matapos ang 2021

Kumpyansa parin ang pamahalaan na maaabot ng bansa ang economic growth rate bago matapos ang taong kasalukuyan.

Ayon kay Acting Presidential Spokesperson at CabSec. Karlo Alexei Nograles, tiwala ang National Economic and Development Authority (NEDA) at ang ating economic managers na makakamit ang economic growth targets basta’t magpapatuloy ang pagganda ng datos at ang unti-unting pagbubukas ng ekonomiya.

Ani Nograles, kahit pa manatili sa Alert level 2 ang Metro Manila ay tiwala pa rin sila na maaabot ng bansa ang target na economic growth rate.


Una nang sinabi ni Trade Sec. Ramon Lopez na sa ngayon ay kailangan na lamang ng bansa ng 4.8% na paglago ng Gross Domestic Product (GDP) upang maabot ang pre-pandemic GDP level sa susunod na taon o target na 6% hanggang 7% na 2019 pre-pandemic level.

Itinuturing din aniya ang 2022 bilang year of recovering back.

Facebook Comments