Palasyo tiwala sa kakayahan ng DA para pigilan ang pagkalat ng ASF

Ananatili ang direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Department of Agriculture na i-contain o pigilan ang pagkalat ng african swine fever.

 

Kasunod ito ng ulat na kumpirmadong may ASF cases na sa Pangasinan matapos mag-positibo rito ang labing-limang blood samples ng mga baboy mula sa isang barangay sa bayan ng Mapandan.

 

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, ginagawa na ng da ang lahat ng hakbang upang mapigilan ang pagkalat ng sakit sa mga baboy.


 

Samantala, iginagalang naman ng palasyo ang pasya ng local government units na i-ban ang pork products mula sa Luzon at iba pang apektadong lugar dahil pinangangalagaan lamang nila ang kapakanan ng kani-kanilang constituents.

 

Una riyan ay ini-utos ni Davao City Mayor Sara Duterte Carpio na pagbawalan o i-ban ang mga pork products na nagmula sa Luzon at iba pang lugar na kumpirmadong may african swine fever.

 

Matatandaang naunang kumalat ang ASF sa ilang lugar sa Rizal at Bulacan.

Facebook Comments