Palasyo, tiwalang fully vaccinated na ang lahat ng adult population bago sumapit ang eleksyon 2022

Kumpiyansa ang Malacañang na bago pa man sumapit ang araw ng eleksyon sa Mayo ay fully vaccinated na ang lahat ng adult population na sila ring mga botante.

Ayon kay acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Alexei Nograles sa ngayon ay naabot na ng bansa ang target na 54 milyong mga Pilipino na nakakumpleto ng bakuna o katumbas ng 70% ng initial target na adult population.

Sunod aniyang target para sa pagtatapos ng unang quarter o katapusan ng Marso ay 77 milyong Pilipino na fully vaccinated.


Nangangahulugan aniya nito na pagsapit ng Abril o bago pa man mag eleksyon sa Mayo ay bakunado na ang lahat ng adult population at ligtas silang makaboboto kahit patuloy pa ang banta ng COVID-19.

Samantala, ipinauubaya naman ni Nograles sa Commission on Election (Comelec) kung papano ipatutupad ang minimum public health standards sa araw ng botohan sa lahat ng polling precincts sa bansa.

Facebook Comments