Naniniwala ang Malacañang na matatalino ang mga Pilipino at hindi basta-basta mahuhulog o maniniwala sa kanilang mga nakikita o nababasa sa social media.
Ito ang pahayag ng Palasyo kasunod ng pangamba ni Vice President Leni Robredo sa posibleng panghihimasok ng China sa domestic affairs ng Pilipinas sa pamamagitan ng social media.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, marunong magsala at kumilatis ng impormasyon ang mga Pilipino.
“At ang Pilipino naman po, napakatalino na natin, hindi po lahat ng nababasa sa Facebook ay pinaniniwalaan,” ani Roque.
Una nang tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte na walang dapat ikabahala sa posibleng pag-impluwensya ng China sa halalan.
Facebook Comments