Palasyo, tiwalang kayang ibaba ng pamahalaan sa 1,000 ang naitatalang kaso ng COVID-19 kada araw

Tiniyak ng Malacañang na kayang malampasan ng Pilipinas ang COVID-19 pandemic.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, kayang mapabagal ang pagkalat ng virus sa pamamagitan ng patuloy na kooperasyon ng publiko sa health at safety protocols.

Tiwala si Roque na kaya ng bansa na maibaba sa 1,000 ang daily new cases mula sa kasalukuyang 4,000 cases.


May mga ipinatutupad ng mga hakbang ang gobyerno kabilang ang localized lockdowns.

Facebook Comments