Kumpiyansa ang Palasyo ng Malacañang na makakahanap ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) ng bagong pagkukunan ng kita matapos aprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapatigil ng E-sabong operations sa buong bansa.
Batay kasi sa PAGCOR, nasa P6 bilyon ang mawawalang kita sa pagpapahinto ng E-sabong.
Ayon kay acting Presidential Spokesperson Martin Andanar, sa ngayon wala pang official document na galing sa Malacañang Records Office hinggil sa pagpapahinto ng operasyon ng E-sabong.
Kasabay nito, tiniyak ni DILG Undersecretary Jonathan na “madali” ng ipatupad ang pagbabawal sa E-sabong.
Ipinag-utos na aniya ni DILG Secretary Eduardo Ano sa mga lokal na pamahalaan na makipagtulungan sa pulisya sa pagpapahinto ng mga operasyon ng E-sabong.
Giit ni Malaya, aarestuhin at kakasuhan ang sinumang mahuhuling lumalabag sa utos ng pamahalaan na ihinto ang operasyon ng E-sabong.