Palasyo, umaasang maisasaayos ng Kongreso ang probisyon sa Security of Tenure Bill na una nang vineto ni PRRD

Umaasa si Pangulong Rodrigo Roa Duterte (PRRD) na itutuwid ng Kongreso ang probisyon sa Security of Tenure Bill na dahilan kung bakit ito vineto.

Ayon kay acting Presidential Spokesperson at Communications Secretary Martin Andanar nananatiling committed si Pangulong Duterte na tanggalin ang lahat ng uri ng pang-aabuso sa trabaho para maisulong ang kapakanan at proteksyon ng mga manggagawa sa pamamagitan ng security of tenure.

Aniya, sa isinumite kasing bersyon ng Kongreso, mas pinalawak pa nito ang saklaw at ibig sabihin ng prohibited labor only contracting na para sa pangulo hindi magiging paborable sa mga manggagawa dahil lalabas pa rin itong isang uri ng contractualization.


Kasunod nito umaasa ang Palasyo na maitatama ito ng Kongreso para maisaayos ang probisyon upang maisulong ang kapakanan ng mga manggagawa.

Ang nasabing pahayag ng Palasyo ay matapos banatan ni Senate President Vicente Sotto ang pag-veto ng pangulo sa isinusulong nilang Security of Tenure Bill na para aniya sa kapakanan ng mga manggagawa.

Facebook Comments