Palasyo, umaasang bababa ang kaso ng COVID-19 sa Oktubre

Umaasa ang Malacañang na bababa ang kaso ng COVID-19 pagsapit ng Oktubre lalo na at maraming tao na ang nabakunahan laban sa nakahahawang sakit.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ipaprayoridad ng pamahalaan ang vaccination sa mga lugar na may mataas na COVID-19 infection para malimitahan ang pagkalat ng virus.

Bilang isang archipelagic country, ang strategy aniya ay unahin ang mga lugar na may mataas na kaso.


Para kay Vaccine Czar Carlito Galvez Jr. na bababa ang COVID-19 cases sa Oktubre o Nobyembre.

Nagpapatuloy ang vaccination sa health workers, seniors, at mayroong comorbidities habang sisimulan sa Mayo ang pagbabakuna sa essential workers.

Nasa 1.3 million Filipinos na ang nakatanggap ng kanilang COVID-19 jabs sa ilalim ng immunization campaign.

Facebook Comments