Nagpaalala ang Malacañang na maging ‘optimistic’ o positibo na bubuti ang sitwasyon sa Pilipinas sa harap ng pandemya.
Ito ang tugon ng Malacañang sa report ng international monthly magazine na Global Finance na ang Pilipinas ay bumagsak sa listahan ng 134 na pinakaligtas na bansa sa mundo.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, kumpiyansa ang pamahalaan na aayos din ang sitwasyon sa bansa kahit nilalabanan pa ang COVID-19.
Binanggit din ni Roque ang isang survey na mayorya ng mga Pilipino ang satisfied sa kung paano hinahawakan ng Duterte administration ang COVID-19 pandemic.
Idinagdag pa ni Roque na nananatiling ‘on-track’ ang bansa sa pagkamit ng population protection sa Metro Manila at mga kalapit na lalawigan pagsapit ng Nobyembre basta tuloy-tuloy ang pagdating ng mga bakuna.