Palasyo umaasang kasing tibay ng paninindigan ni PRRD ang pasya ng susunod na lider ng bansa pagdating sa VFA Termination

Naniniwala ang Malakanyang na dapat ipagpatuloy ng susunod na magiging pinuno ng bansa ang mga nasimulan ni Pangulong Rodrigo Duterte partikular na sa usapin ng VFA Termination.

Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Salvador Panelo dapat ay kasing tindi at may sariling judgement ang susunod na Pangulo ng Pilipinas.

Sinabi pa ni Panelo na hindi dapat umaasa sa ibang bansa ang Pilipinas na siyang dahilan ni Pangulong Duterte upang putulin ang higit dalawang dekadang VFA sa Amerika


Kumbinsido aniya ang Pangulo na panahon na para palakasin ng Pilipinas ang sarili nito at hindi maging palaasa sa tulong mula sa ibang bansa

Hangat patuloy aniyang naksandal sa ibang bansa ang Pilipinas ay magiging mabagal ang ating pag-unlad.

Una nang kinumpirma ng US Defense Department na natanggap na nila ang ipinadalang notice of termination ng VFA ng Pilipinas sa Amerika

Facebook Comments