Kasunod ng pagkapanalo ni US President-elect Joe Biden, umaasa ang Palasyo na mabebenipisyuhan nito ang mga kababayan nating nagtatrabaho sa Estados Unidos lalo na ang mga walang dokumento.
Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, umaasa silang magkakaroon ng policy shift sa ilalim ng Democratic administration dahil sadyang napakaraming Pilipino sa Amerika na kung tawagin ay “TNT” o mga ilegal at walang mga dokumento.
Sinabi ni Roque na malaki ang papel na ginagampanan ng ating mga kababayan sa Estados Unidos kung kaya’t sana ay mabigyan aniya ang mga ito ng pagkakataon upang makapagtrabaho at makapanirahan nang legal sa America.
Pagdating naman aniya sa foreign policy, naniniwala ang kalihim na wala namang major changes na mangyayari sa ilalim ng Biden administration.