Iginagalang ng Palasyo ang pagiging independent ng Commission on Elections (COMELEC) bilang isang constitutional body.
Reaksyon ito ng Malakanyang matapos magbitiw bilang Chairman ng Committee on Gun Ban si COMELEC Commissioner Socorro Inting, dahil sa umano’y kawalan din ng silbi nito kung ipauubaya rin naman sa chairman ng komisyon ang pagdedeklara ng areas of concern under COMELEC control.
Ayon kay acting Presidential Spokesperson at Presidential Communications Operations Office (PCOO) Sec. Martin Andanar naniniwala sila na anumang hindi pagkakaunawaan sa loob ng komisyon sa pagitan ng mga commissioners ay mareresolba sa lalong madaling panahon.
Tiwala rin ang kalihim na hindi makakaapekto ang gusot sa mga opisyal ng COMELEC sa integridad ng Eleksyon 2022.