Palasyo, umaasang mauunawaan na ni Robredo kung bakit may mga namamatay na drug suspect sa war on drugs

Manila, Philippines – Maaaring mapagtanto na ngayon ni Vice President Leni Robredo ang reyalidad o tunay na nagaganap sa ground sa tuwing may anti-illegal drugs operations.

Ito ang sinabi ni Chief Presidential Legal Counsel at spokesman Salvador Panelo ngayong ito na ang tatayong anti-drug czar ng pamahalaan sa ilalim ng Duterte administration.

Sinabi ni Panelo na sa kasalukuyang posisyon ng bise presidente ay pwedeng mabago na ang persepsyon nito patungkol sa mga napapatay na drug suspect dahil maaaring makita na nito ang aktwal na pangyayari at kung paano nanlalaban sa mga otoridad ang mga sangkot sa iligal na droga.


Kasunod nito giit ni Panelo na si VP Leni na ang makakaalam kung tama o mali ang mga sinasabi ng mga kritiko ni Pangulong Duterte kung ang pag-uusapan ay kung paano ipinatutupad ng gobyerno ang war on drugs.

Facebook Comments