Palasyo, umaasang tutulong pa rin ang Makabayan Bloc sa ilang programa ng administrasyon

Manila, Philippines – Umaasa ang Palasyo ng Malacañang na kahit humiwalay na ang Makabayan Bloc sa Administrasyon ay magiging bukas pa rin ito na makatrabaho ang pamahalaan.

Ito ang sinabi ng Malacañang sa harap narin ng desisyon ng Makabayan Bloc na umiwalay sa Majority Bloc ng Kamara na sumusuporta sa Administrasyong Duterte.

Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, sana ay maging bukas parin ang mga militanteng kongresista sa pakikipagtulungan sa administrasyon sa mga isyu na magiging kapakipakinabang sa lahat.


Nabatid na nagdesisyon ang Makabayan Bloc na humiwalay sa administrasyon dahil nawala na umano ang suporta ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanila matapos na hindi makapasa sa Commission on Appointments ang dalawang militanteng kalihim na sina dating Agrarian Reform Secretary Rafael Mariano at dating Social Welfare Secretary Judy Taguiwalo.

Facebook Comments