Palasyo, umapela sa mga nasa ilalim ng ECQ na maghintay pa ng konting panahon para sa ayuda

Mayroon nang rekomendasyon ang Department of Budget and Management (DBM) upang mabigyan ng ayuda ang mga kababayan nating nasa ilalim ng Enhanced Community Quarantine (ECQ).

Kabilang sa mga ito ang Iloilo City, Iloilo Province, Cagayan de Oro at Gingoog City na nasa ilalim ECQ hanggang Hulyo 31.

Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, gulong na lang ng papel ang hinihintay at masisimulan nang ipamigay ang ayuda.


Ani Roque, mayroon pang mapagkukuhanan ang tulong pinansyal mula sa 2021 budget gayong nasa buwan pa lang naman tayo ng Hulyo.

Nariyan din aniya ang paghingi ng supplemental budget kung kinakailangan.

Sinabi pa nito na hindi makapapayag si Pangulong Rodrigo Dutere na walang ayudang ipagkakaloob sa mga pinakaapektadong residente.

Una nang sinabi ng Palasyo na hindi bababa sa ibinigay na ayuda sa mga taga-Metro Manila noong isinailalim din ang National Capital Region (NCR) sa ECQ noong Abril.

Matatandaang P1,000 kada indibidwal o hanggang P4,000 ang ipinagkakaloob sa mga pinakaapektadong pamilya.

Facebook Comments