Manila, Philippines – Naniniwala ang Palasyo ng Malacañang na hindi maiiwasan na mayroong inosente na mamamatay sa giyera ng pamahalaan kontra sa iligal na droga.
Ito ang reaksyon ng Malacañang sa resulta ng survey ng Social Weather Station (SWS) na nagsasabi na 46% ng ating mga kababayan ay naniniwala na hindi maiiwasan na may madamay na inosente sa war on illegal drugs ng administrasyon at 35% naman ang naniniwala na maaari itong iwasan.
Ayon kay incoming Presidential spokesman Secretary Harry Roque sa anomang giyera tulad ng war on illegal drugs ay talagang mayroong tinatawag na collateral damage.
Pero ang trabaho aniya ng pamahalaan ay mapaliit ang colleteral damage sa war on drugs at isulong ang kahalagahan ng buhay at karapatan ng bawat Pilipino na mabuhay.
Tiniyak naman ni Roque na ginagawa ng pamahalaan ang obligasyon nitong imbestigahan at kasuhan ang sinomang mapatutunayang pumatay ng inosente