Palasyo, wala pang kumpirmasyon kung tinanggap na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang pagbibitiw sa pwesto ni DA Undersecretary Leocadio Sebastian

Wala pang opisyal na pahayag ang Malacañang kung tinanggap na ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., ang ginawang pagbibitiw ni Agriculture Undersecretary Leocadio Sebastian.

Ayon kay Press Secretary Atty. Trixie Cruz- Angeles, ang tanging na sa kaniya pa lamang ay ang liham ng pagbibitiw ni Sebastian.

Batay aniya sa resignation letter ni Sebastian, inamin nito ang pagkakamali gaya ng ginawang pagko-convene nito sa board at pag-iisyu ng resolusyon na pawang lahat aniya’y hindi otorisado ng Pangulong Marcos Jr.


Samantala, wala pang development ayon kay Angeles sa iba pang opisyal na dawit sa kontrobersiya partikular kung sila rin ba ay magbibitiw sa kanilang hinahawakang puwesto.

No further orders sabi ng kalihim kaugnay sa status ng iba pang subject ng imbestigasyon.

Isa rin sa subject ng investigation si Sugar Regulatory Administration (SRA) Administrator Hermenegildo Serafica.

Facebook Comments