Nilinaw ng Malakanyang na wala pa silang natatanggap na kahit anong kopya ng resolusyon na humihiling ng pansamantalang pagsuspinde ng E-sabong sa bansa.
Ayon kay acting Presidential Spokesman at Cabinet Secretary Karlo Nograles, dapat ay nagbigay ng resolusyon ang Senado sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) na nag-rerekomenda na suspindehin ang E-sabong saka ipapasa sa Office of the President.
Aniya, tanging sa mga balita lamang nila nalaman ang impormasyon na suspendido ang E-sabong.
Una nang sinabi ni Senate President Tito Sotto na inaprubahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang suspensyon ng E-sabong sa bansa.
Facebook Comments