Walang deadline ang Palasyo ng Malacañang para kumpletuhin ang mga miyembro ng gabinete ng administrasyong Marcos.
Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles, nagiging mabusisi lang ang Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa pagpili ng mga uupo sa mga bakante pang posisyon sa government agencies.
Pero hindi naman daw magtatagal ay makakapili na ang pangulo lalo na sa mamumuno sa Department of Health (DOH) para matutukan ang epekto ng pandemya.
Sinabi ni Angeles, sa ngayon ay nasa final evaluation na ang pangulo sa pagpili.
Ilan pa sa ahensya ng gobyerno na walang napiling mamuno ay ang DOH, Department of Environment and Natural Resources (DENR), Department of Energy (DOE), Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) at Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).