Palasyo, walang kinalaman sa operasyon laban kay Quiboloy

Binigyang diin ni Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos na walang kinalaman ang Palasyo sa operasyon laban sa puganteng si Apollo Quiboloy.

Ito ay may kaugnayan sa nagpapatuloy na pagsisilbi ng alias warrant of arrest kay Quiboloy sa compound ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) sa Davao City.

Ayon kay Abalos, purely police operation ito at walang kinalaman ang sinuman dito.


Ibinibigay niya rin ang buong autonomy sa Pambansang Pulisya sa paghahain ng alias warrant of arrest.

Ang operasyong isinasagawa ay base na rin aniya sa compiled intelligence report na natanggap ng pulisya na nasa loob lamang ng compound si Quiboloy at apat pang kapwa akusado nito.

Facebook Comments