Palasyo, walang nakikitang epekto sa bilateral relations ng Pilipinas at Amerika ang VFA cancellation

Hindi nakikita ng Malacañang na magkakaroon ng epekto sa bilateral relations ng Pilipinas at Estados Unidos ang naging hakbang ng Administrasyon na ipawalang bisa ang Visiting Forces Agreement

Ayon kay Chief Legal Counsel at Spokesperson Salvador Panelo, mananatiling mainit ang relasyon ng dalawang bansa sa harap ng VFA termination.

Sa pagtaya ni Panelo, baka nga mas uminit pa ang bilateral relations ng Pilipinas at U.S. kumpara dati.


Base kasi sa kanyang obserbasyon sa kilos ng Amerika, mas nabibigyan nito ng atensyon ang mga bumabato ng batikos sa kanilang polisiya.

Kasunod nito iginiit ng Palasyo na wala nang balak pa si Pangulong Rodrigo Duterte na mag-entertain nang anumang inisyatibo para isalba ang VFA.

Buo na aniya ang pasya ni Pangulong Duterte na hindi niya pauunlakan ang anumang opisyal na imbitasyon na bumisita sa Amerika kahit pa personal ulit siyang anyayahan ni US President Donald Trump.

Facebook Comments