Palasyo, walang planong pigilan ang nakatakdang pakikipulong ni VP Robredo sa UN at US Embassy officials

Manila, Philippines – Hindi pipigilan ng Palasyo ang nakatakdang pakikipagpulong ni anti-drug czar Vice President Leni Robredo sa US Embassy officials at United Nation upang rebyuhin ang drug war ng pamahalaan.

Ayon kay Presidential spokesperson Atty. Salvador Panelo, walang nakikitang problema dito ang Malakanyang lalo na at kung sa tingin ni Robredo ay makakatulong ang Estados Unidos sa kampanya ng gobyerno kontra iligal na droga.

Sa katunayan, matagal na aniyang katuwang ng Pilipinas ang US pagdating sa intelligence sharing.


Dagdag pa ni Panelo, hindi rin panghihimasukan ng Palasyo ang plano ni Robredo na makipagpulong sa UN na kilalang kritiko ng war on drugs ng Duterte administration.

Facebook Comments