Manila, Philippines – Ipinasara ng monetary board ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang Palawan Development Bank Inc. matapos lumagpas sa ₱500 million ang total deposit liabilities nito.
Sa statement ng Philippine Deposit Insurance Corporation (PDIC), “unfit to remain in business” na ang lender epektibo May 6, 2019.
Lumalabas sa mga record na ang Palawan bank ay nagtapos nitong 2018 na may 19,857 deposit accounts na may total deposit liabilities na ₱503 million, kung saan 81% nito o katumbas ng ₱408.0 million ay naka-rehistro bilang insured deposits.
Ang Palawan bank ay isang 10-unit thrift bank kung saan ang head office nito ay matatagpuan sa Puerto Princesa City.
Mayroon itong siyam branches: lima sa Palawan at apat sa Cebu.
Facebook Comments