Palawan, inalerto sa ulat ng umano’y presensya ng Abu Sayaff

46

Manila, Philippines – Kinumpirma ng AFP na inalerto naang buong lalawigan ng Palawan kasunod ng banta ng bandidong Abu Sayaff.

Sa interview ng RMN kay AFP Spokesperson, Brig/Gen. Restituto Padilla – bagama’t patuloy ang pagberipika sa ulat, layon nito na maging handaang mga residente at mga lokal na pamahalaan.
Pinabulaanan din ni Padilla na may presenya ng Abu Sayaffsa Coron kung saan dinadayo ng mga turista.

Sa kabila ng travel advisory ng mga iba’t-ibang bansa at pagbaba ng turismo, hinikayat ni Padilla ang mga dayuhan at mga kababayan nabisitahin ang mga magagandang lugar sa Palawan.

Samantala, pinalakas na rin ang puwersa ng mga sundalo at pulisya sa mga kilalang pasyalan sa Palawan.

Facebook Comments