
Inanunsyo ng Tourism Department na kinilala ang Palawan bilang isa sa Trending Destinations sa buong mundo para sa taong 2024.
Partikular na nanggaling ang naturang recognition sa TripAdvisor na itinuturing na world’s largest travel site para sa travel deals at reviews.
https://www.facebook.com/photo/?fbid=688145050168529&set=a.164224512560588
Bunga nito, inaasahan na lalo pang dadagsain ng mga turista ang Palawan.
Naniniwala ang Department of Tourism (DOT) na ito ay bunga ng tourism development sa Palawan at ang pinag-ibayong pag-promote sa tinaguriang “crown jewels” ng bansa.
Facebook Comments









