Itutuloy ngayong araw ng Provincial Plebiscite Board of Canvassers ang canvassing para sa Palawan Plebiscite.
Alas-9:00 ng umaga itutuloy ng PPBOC ang kanilang sesyon.
Ayon kay Commission on Elections (Comelec) Commissioner Rowena Guanzon, kabuoang 490,369 voters ang nagparehistro para sa plebisito, kung saan 224,029 ang bumoto o 49.76%.
Lumabas sa partial at unofficial results, marami ang bumotong “Hindi” sa panukalang hatiin sa tatlong lalawigan ang Palawan na may 148,017 votes habang nasa 96,012 lamang ang bumotong “Oo.”
Pagtitiyak ni Guanzon na patuloy nilang binabantayan ang tally at canvassing.
Ang plebisito ay isinagawa sa 2,959 clustered precincts sa 487 voting centers sa 23 munisipalidad sa Palawan para sa ratification ng Republic Act 11259.
Sa ilalim ng batas, hahatiin ang Palawan sa Palawan del Norte, Palawan del Sur, at Oriental Palawan.