Manila,Philippines – Hihilingin ni Pangulong Rodrigo Duterte na palawigin pa ng isang taon ang umiiral na batas militar sa Mindanao.
Ayon kay Executive Secretary Salvador Medialdea, ito ay nakapaloob sa sulat ng pangulo na ipapadala sa kongreso at senado ngayong araw, Disyembre 11, 2017.
Iginiit naman ni House Speaker Pantaleon Alvarez, na magsisimula ang talakayan tungkol sa pagpapalawig ng martial law kapag natanggap na ang liham ng mababa at mataas na kapulungan.
Una nang kinumpirma ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang rekomendasyon nilang pagpapalawig ng batas militar sa Mindanao.
Facebook Comments