Nagpaabot ng tulong ang Department of Agriculture at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (DA-BFAR) sa 171 magsasaka at 40 mangingisdang naapektuhan ng nagdaang kalamidad sa lungsod ng Dagupan.
Kabilang sa mga benepisyaryo ang kapitan mula sa Brgy. Pugaro, at mga magsasaka mula sa mga barangay ng Salisay, Mangin, Tebeng, Malued, at Bolosan.
Tinanggap ng mga ito ang binhing palay at relief packs maging ang commercial boat.
Layunin nitong suportahan ang muling pagbangon ng sektor ng agrikultura at pangingisda sa Dagupan matapos ang pinsalang dulot ng bagyo. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









