Inanunsyo ng Department of Agriculture (DA) na umabot sa 20.06 million metric tons ng palay production ang nakamit noong nakalipas na taong 2023.
Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu-Laurel Jr., ito na ang pinakamataas na harvest ng bansa sa huling quarter ng 2023.
Base sa datos na inilabas ng Philippine Statistics Authority (PSA), nasa 1.5% mas mataas ang palay output noong nakaraang taon kumpara sa 2022 volume na 19.76 milyong metric tons.
Paliwanag ni Tiu-Laurel, ang 2022 harvest ay may pagbaba mula sa previous record harvest na 19.96 million MT noong 2021.
Iniulat din ng PSA na nanatiling matatag ang sektor ng agrikultura at pangisdaan sa kabila ng mga hamon na kinaharap noong 2023.
Facebook Comments