PALAY PROCUREMENT | NFA, no comment muna sa isyu na mapasailalim sa pangangasiwa ng Department of Agriculture

Manila, Philippines – Ayaw munang mag komento ng National Food Authority (NFA) sa isyu na mapasailalim sila sa pangangasiwa ng Department of Agriculture (DA).

Bagamat napaulat na ang pagbuwag sa NFA Council wala pang natatanggap na opisyal na kalatas o executive order ang ahensiya mula sa Malacañang ukol dito.

Sakaling mapasailalim sila sa DA, hindi na bago ang ganitong sistema dahil mula pa sa panahon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos hanggang sa mga sumunod na administrasyon makailang beses nang nailipat-lipat sa pangangasiwa ng ilang ahensiya ng gobyerno.


Sa ilalim ng pangangasiwa ng DA, mas mapalakas pa anila ang palay procurement ng ahensiya dahil marami nang tukoy na farmers cooperative na maaaring mapagkunan ng supply ng bigas.

Facebook Comments