PALAY PROCUREMENT PROGRAM | Department of Agriculture at NFA, lalagda ng kasunduan sa susunod na linggo

Manila, Philippines – Nakatakdang lumagda sa isang kasunduan sa susunod na linggo ang Department of Agriculture (DA) at National Food Authority (NFA) para mapalakas ang palay procurement program.

Ayon kay Agriculture Secretary Manny Piñol, layunin nitong mapatatag ang supply ng bigas ng NFA.

Sa ilalim ng kasunduan, tututukan ng NFA ang mga lugar kung saan mababa ang presyo ng palay at pinapatakbo ng traders at ahente.


Aniya, maglalaan ng espasyo ang NFA sa kanilang buying stations para makapagtayo ang DA ng drying facilities na magagamit ng mga magsasaka ng libre.

Sa pamamagitan nito, maibebenta ng mga magsasaka ang kanilang palay sa NFA.

Dagdag Pa Ni Piñol, ang mga kooperatiba at asosasyon ng mga magsasakay ay makakatanggap ng insentibo kapag ibinenta nila ang palay sa ahensya.

Sa ilalim ng production loan easy access program ng DA, ang magsasakay ay maaring mag-loan ng aabot sa 50,000 pesos na maaring bayaran ng isang taon.

Facebook Comments