Palay production ngayon wet season, posibleng kulangin ng 1.1 million metric tons ayon sa DA

Muling ibinabala ng Department of Agriculture (DA) ang posibilidad na rice shortage ngayong panahon ng tag-ulan.

Sa panayam ng RMN Manila, sinabi ni DA Secretary William Dar, mayroon silang nakikitang 1.1 million metric tons na kakulangan sa palay production ngayon wet season.

Ito ay dahil na rin aniya sa kakulangan ng abono na ginagamit ng mga magsasaka.


Nabatid na nagmahal ang presyo ng fertilizer sa world market dahil na sa patuloy na gyera sa pagitan ng Russia at Ukraine.

Kasabay nito, sinabi ni Dar na nagpadagdag na sila ng anim na bilyong pisong pondo bilang fertilizer subsidy sa mga magsasaka.

Pero aminado ang agriculture department na aabot sa ₱30 billion hanggang ₱40 billion ang kinakailangan ng susunod na administrasyon upang matugunan ang banta ng food crisis sa bansa.

Facebook Comments