Nasa isang daan at tatlumput tatlo na rice farmers mula sa Dagupan ang tumanggap ng palay seeds assistance mula sa programa ng Department of Agriculture.
110 bags ng hybrid seeds na tig-15 kg kada bag at 20 bags certified seeds na may bigat na 20kg bawat bag ang natanggap ng mga farmers.
Ang pamamahaging ito ay bahagi ng Roce Resiliency project na programa ng Department of Agriculture nang sa gayon ay matugunan ang local supply situation sa pamamagitan ng pagpapalakas ng domestic production.
Mula sa magkakaibang barangay sa Dagupan ang mga farmers na pinamahagian at bawat beneficiary ay may kanya kanyang alokasyon at nakabase sa laki ng kanyang lupang sinasaka. |ifmnews
Facebook Comments