Manila, Philippines – Hinikayat nila Ifugao Rep. Teddy Baguilat at Akbayan Rep. Tom Villarin ang pamahalaan na palayain na si Senator Leila de Lima.
Ang suhestyon na ito ay kasunod ng rekomendasyon ng panel ng Department of Justice na ibasura ang kaso laban kay Kerwin Espinosa sa kabila ng pag-amin na nagbigay ito ng drug money sa senadora na ginawang basehan ng gobyerno para ito ay ikulong.
Para kina Baguilat at Villarin, na-compromise na ang kaso kay De Lima dahil sanaging paborableng desisyon na i-dismiss ang kaso ni Espinosa at ng iba pang nasasangkot sa drug cases na sina Peter Lim at Peter Co.
Dagdag naman ng mga ito, dapat ay matagal nang napalaya si de Lima dahil mahina naman ang ebidensya laban sa senadora.
Nabalot na rin anila ng duda ang drug list ni Pangulong Duterte matapos na irekumenda ang pagbabasura sa drug cases nila Espinosa.