Palengke sa Mandaluyong City, hinigpitan ng pulisya at mga barangay tanod

Tiniyak ng mga tauhan ng Mandaluyong Police Station at mga tauhan ng barangay na magiging bantay sarado ang mga ang pasukan at labasan sa palengke ng lungsod.

Ayon kay Mandaluyong City Mayor Menchie Abalos, inatasan na nito ang Hepe ng Mandaluyong Philippine National Police (PNP) na tiyaking walang makalulusot sa kanilang ipinatutupad na quarantine checkpoint upang masegurong nasusunod ang social distancing.

Nilinaw naman ng alkalde na hindi sakop ng kautusan na ibabase sa unang letra ng pangalan sa pamamalengke ang mga grocery stores at supermarkets.


Paliwanag ni Abalos na sa ngayon ay umaabot na sa 217 ang kumpirmadong positibo sa COVID-19 sa Mandaluyong habang nasa 509 ang suspect case at 21 naman ang nasawi dahil sa COVID-19 at 27 ang gumaling sa COVID-19.

Facebook Comments