Paligid ng Batasang Pambansa nananatiling mapayapa; NCRPO Chief Natividad, kuntento sa pinatutupad na seguridad

Nananatiling mapayapa ang sitwasyon sa paligid ng Batasang Pambansa – lugar kung saan gaganapin ang unang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Bongbong Marcos.

Ayon kay PLt.Col. Elizabeth Jasmin ang commander na nakatutok sa nasabing lugar, sa magdamag na kanilang pagbabantay at hanggang sa mga oras na ito wala pang naitatalang untowards incident na may kaugnayan sa banta na seguridad

Wala ding nakumpiskang baril, bladed weapon at anumang uri ng pampasabog sa kabila ng pag-iikot ng bomb-snipping dog at mga tauhan ng PNP SWAT.


Kanina nag-ikot din si NCRPO Chief Felipe Natividad.

Ayon sa Heneral, kontento siya sa pinapatupad na seguridad

Sa ngayon, nananatiling sarado ang magkabilang kalsada ng IBP Road at tanging may mga car pass at VIPs lang ang pinapayagang makadaan.

Para naman sa mga naglalakad at dadalo na rin sa programa ng pro-marcos sa IBP Road, kailangan nilang dumaan sa metal detector ng PNP.

Facebook Comments