Paligid ng EDSA Shrine pinalibutan na ng mga pulis

579

Kasabay ng inaasahang malakihang pagtitipon binakuran na ng mga pulis ang paligid ng EDSA Shrine.

Tiniyak ni EPD Police Chief Superintendent Bernabe Balba, naka-full alert status ang kapulisan at may sapat na bilang para sa seguridad ngayong pagdiriwang ng 33rd anniversary ng People Power Revolution.

Kanselado ang leave ng kanilang mga tauhan para 100% ang attendance ng mga pulis.

Sa ngayon kakatapos lamang ang pagbilang sa dami ng pulis at pinaikutan na nila ang EDSA Shrine.

May pinakalat din na K9 unit galing sa South Police District (SPD) bilang pagpapatibay sa seguridad.

Hinimok naman ni General Balba ang publiko na agad ipabatid kung may nais isumbong tulad ng kahina-hinalang kilos o bagay.

Maaring tumawag sa 641 0877 at 0917-728 -3790.
www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>

Facebook Comments