Wednesday, February 25, 2026

Paligid ng Malacañang at Mendiola, bantay-sarado ng NCRPO

Bantay-sarado ng mga tauhan ng National Capital Region Police Office (NCRPO), katuwang ang Bureau of Fire Protection (BFP) at iba pang force multipliers, ang paligid ng Malacañang Palace.

Ito ay kasabay ng ika-40 anibersaryo ng EDSA People Power Revolution ngayong araw.

Nabatid na inaasahan ang posibleng pagdagsa ng mga nagpoprotesta sa Mendiola Street, kung saan nais masiguro ng pulisya na magiging payapa at maayos ang kanilang mga aktibidad.

Napag-alaman na mauunang magtutungo sa Mendiola ang ilang grupo para magprotesta at pagkatapos nito ay tutungo naman sa People Power Monument sa EDSA.

Mula sa Mendiola, Ayala Bridge, Arlegui, at Nagtahan ay naka-deploy ang mga tauhan ng NCRPO.

Bukod dito, maaga ring isinara sa mga motorista ang bahagi ng Recto Avenue, partikular ang patungong Mendiola at Legarda.

Pinapayuhan ang mga apektadong motorista na dumaan muna sa mga alternatibong ruta upang hindi maabala sa kanilang biyahe.

Facebook Comments